KABATAANG PAGBABAGO
JOMARIE LAGGUI
Lahat tayo ay may karapatan, dignidad at binibigyang diin sa anumang bagay na pwede nating gawin. Sa panahon natin ngayong mga kabataan, marami nang nalulong sa bisyu pero iilan lang yung mga kabataang nais magkaroon ng magandang buhay at ambisyon.
May solusyon pa ba sa problema ng ating mahal na bayang Pilipinas?
OO, ang sagot natin. Sagot ng mga kabataan ng bagong henerasyon.
OO,
tinatanggap natin ang hamon ng bayan, tayo ang simula ng pagbabago.
Isang hamon na magsusulong ng bagong pag-asa. Pagbabagong magsisimula sa
ating mga sarili. Pagbabago na ituwid ang tinatahak na landas ng ating
bayan.
Tayong mga kabataan o sa ating henerasyon dapat tayo ay magkaisa dahil tayo ang pag-asa ng bayan, tayo din ang susi para makamit ang minimithing maunlad na bansa at pagkakaroon ng mga magagandang binipisyu sa ating lipunan. Kaunlaran, kasaganaan, at katarungan. Ito ay iilan sa mga kabataang nais ipabago, na nais iwasan yung mga taong nagdadala ng masamang gawi sa mga kabataan ngayon. Hindi nararapat sa mga kabataan ngayon ang pagiging "DEPENDENT" o pag-uumano sa mga magulang o sa mga kaibigan dahil ang nararapat lamang sa mga kabataan ngayon ay ang pagtayo sa mga sarili nilang mga paa. Tayong mga kabataan ngayon ay may mithiing nais maipabago sa ating henerasyon sa hinaharap. Kaunlaran at pagbabago ang kinakailangan sa mga kabataan ngayon, ang magiging kahihinatnan nito o resulta kung susundin lang natin ito baka mas mapaganda pa ang kinalabasan sa mga kabataan ngayon kung ito ay ating bibigyan ng aksiyon ngayon, ang pagbabago na dapat isaalang-alang sa mga kabataan ngayon.
Ano ang magagawa nating mga kabataan upang maisulong ang pagbangon ng ating bayan? Anong kontribusyon ang ating maibibigay? Saan natin ito sisimulan?
Sa bawat sangay ng lipunan, sa ating bawat kilos at galaw.
Para sa ating sarili, DISIPLINA.
Gumawa ng mga bagay na kalugod-lugod sa mata ng tao. Katanggap-tanggap
sa paningin ng Maykapal. Pakikisama, pakikipagkaibigan, pagpapakumbaba.
Sa ating pamilya, PAGGALANG AT PAGMAMAHAL.
Pahalagahan ang sinasabi ng mga magulang. Magbigay ng pang-unawa sa mga
kapatid. Bigyan ng panahon at sapat na oras ang mga mahal sa buhay.
Sa ating paaralan, DEDIKASYON. Isipin ang mabuting edukasyon ang puhunan sa pag-unlad ng sarili at ng bayan.
Sa ating pamayanan, PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN.
Kung may pagkakaisa, may pagsulong
Kung may kapayapaan, may pag-unlad.
Ang magiging huling habilin ko sa inyo na magiging tatak sa ating mga ulo o utak na "kabataan'g hinaing ay dinggin, pagbabago ay dapat abutin. kaunlara'y matatamasa sa pag-abot ng mga pangarap , kabataan kayang baguhin ang hinaharap."